Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16 tulak sa Cavite binitbit

0 71

Hindi naging balakid ang masungit na pana­hon dala ng Bagyong ‘Jolina’ upang mapigil ang transaksyon ng 16 hinihinalang tulak na inaresto ng Cavite Police sa isinagawang buy-bust operation sa magkakahi­walay na lugar sa Cavite, Martes ng gabi.

Sa ulat ng Cavite Po­lice Provincial Office, isinagawa ang buy-bust sa pagitan ng alas-2:30 ng hapon hanggang alas-11:30 ng gabi sa tatlong lungsod at tatlong bayan sa nasabing lalawigan.

Nanguna sa listahan ng may pinakamaraming tulak na dinakip ang Dasmariñas City sa anim.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sumunod ang Cavite City (3), habang tigda-dalawa sa Trece Martires City, Naic, at Alfonso, at isang sinasabing tulak ang pinosasan sa Gen. Emilio Aguinaldo.

Sa nasabing mga operasyon, kabilang sa nasukol ang dalawang babae mula Dasmariñas. (Gene Adsuara)

Leave A Reply

Your email address will not be published.