Abante Tonite Interactive

160 kalahok sa RMC 30th Derby — Ligon

229

Ikaapat na grupo ng mga sultador ang sasalang sa RMC 30th Anniversary 5-Cock Derby ngayon sa may 10,000 upuan at malamig na Roligon Mega Cockpit sa Parañaque.

Bitaw ang may 80 sultada sa alas-kuwatro nang hapon sa pasabong ni RMC CEO Dennis Ligon na may nakatayang P4M. Ang entry fee ay P11,000 at ang minimum bet ay P5,500.

Puwede pang humabol sa 3-cock elims na may P100,000 cash prize sa day champ sa Pebrero 27 at sa Marso 5 at 12. May 2-cock finals sa Mar. 19 para sa may mga 1, 1.5, 2 at 2.5 points na P200,000 ang premyo sa day champ at Vortex motorcycle sa raffle draw, at sa Mar. 26 na may mga 3 pts. naman.

Mabibiyayaan din ang champion handler ng P100,000 at sa gaffer ay P50,000. Sa RMC office, at kay Shirley o kay Tiling Capitan ang cockhouse reservation sa 8519-7345, 0920 9509090 at 0926 7134069. (Enjel Manato)