Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16,459 nakarekober sa virus

0 192

Muling nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng maraming nakarekober mula sa COVID-19.

Base sa DOH COVID-19 Case Bulletin alas-kuwatro ng hapon nitong Linggo, Agosto 23, nasa 16,459 ang naitala nila na bagong gumaling sa naturang sakit kung kaya’t umabot na sa 131,367 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober.

Subalit record high recovery pa rin ang naitala noong Agosto 16 kung saan 40,397 pasyente ang iniulat ng DOH na nakarekober sa COVID.

May 2,378 naman ng bagong kaso ng COVID kung kaya’t umabot na sa kabuuang 189,601 ang mga tinamaan ng virus sa bansa.

Mayroon pa ring naitala ang DOH na 32 pasyenteng namatay sa virus kung kaya’t umabot na sa 2,998 ang COVID-19 death toll sa Pilipinas.

Sa mga bagong kaso, nabatid na 55,236 ang active cases, 91.5% naman ang mild cases, 6.1% ang asymptomatic, 1% ang severe, at 1.4% ang critical.(Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.