Abante Tonite
Mabilis sa Balita

165 Manilenyo nagpositibo sa rapid test

0 272

Umabot sa may 165 indibiduwal ang nagpositibo sa COVID-19 sa isinagawang rapid test sa may 8,018 katao ng Manila Health Department (MHD) sa may 31 barangay na isinailalim sa lockdown sa Maynila.

Base sa record ng MHD, sa District 1, 62 ang nagpositibo sa may 3,719 isinailalim sa rapid test; District 2, 6; District 3, 62; District 5, 28, at ilan pa sa District 7.

Ang mga nagpositibo sa rapid test ay isasailalim pa sa swab test para makumpirma kung talagang mayroon silang coronavirus at sila ay inilagay na sa isolation facility.

Nabatid na ang lockdown ng 31 barangay ay nagtapos kahapon ng alas-5:00 ng hapon. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.