Abante Tonite Interactive

168 mangingisda sa NegOr, Cebu naka-quarantine

0 296

Nasa 168 na mangingisda mula sa Negros Oriental at Cebu ang sinailalim sa quarantine matapos nilang bumaba sa kani-kanilang fishing vessel noong Huwebes sa bayan ng Sibulan.

Sa nasabing bilang, 153 ang mula sa Negros Oriental habang 15 naman ang mula sa iba’t ibang bayan ng Cebu, ayon kay Dr. Liland Estacion, Assistant Provincial Health Officer.

Aniya, kinuhanan na rin ng sample para sa rapid testing ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) ang mga mangingisda at lahat ay nagnegatibo.

Ngunit para makumpirma ito, kinuhanan rin sila ng mga swab sample para sumailalim naman sa Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR)

Mayo 17 umano nang dumating sa lugar ang mga mangingisdang sakay ng Philip D.R kabilang ang isa sa kanila na nasawi. Dahil dito hindi sila agad pinayagang bumaba sa barko habang nagsagawa ng plano para sa procedure ng kanilang pagbaba.

Sa parehong araw, inalis sa bangka ang nasawing mangingisda at agad sinailalim sa cremation. Isa umano siya sa tatlong mangingisda na sakay ng Philip D.R. na nasawi sa fishing expedition. DAlawa sa mga ito ang nasawi habang naka-confine sa isang ospital sa Metro Manila.

Mabibigyan naman umano ng pagkain ang mga mangingisda na nasa quarantine facility.

Tonite – Wendys Inhouse Ad