Abante Tonite
Mabilis sa Balita

16K bagong COVID case, halos 11K gumaling

0 57

Nakapagtala ng 16,621 bagong kaso ng COVID-19 sa bansa hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Huwebes, Setyembre 2.

Ayon sa DOH Case Bulletin No. 537, dahil sa nadagdag na mga bagong kaso ay nasa 2,020, 484 na ngayon ang kabuuang bilang ng mga nagkasakit dahil sa coronavirus sa bansa.

Subalit may limang laboratoryo umano na hindi nakapagsumite ng kanilang datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Nasa 10,965 pasyente naman ang gumaling habang 148 ang nasawi.

Sa ngayon umabot na sa 1,840,294 ang mga nakarekober sa COVID habang 33,680 ang kabuuang bilang ng mga namatay.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID ay 7.3% o 146,510 ang aktibo. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.