Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17 barangay sa Pasay, critical zone

0 382

Umaabot na sa 17 barangay sa Pasay City ang idineklarang critical zone areas dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa siyudad.

Sa kasalukuyan, pumalo na sa 1,702 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong lungsod ng Pasay. May 842 na ang gumaling habang 65 naman ang nasawi dahil sa nasabing sakit.

Nadagdag sa listahan ng mga critical area sa lungsod ang Barangay 183 na may 47 kaso ng coronavirus at Barangay 193 na may naitalang 34 kaso.

Sa inilabas na Memorandum Order ni City Administrator Dennis Bernard Acorda, ang mga barangay na idineklarang critical zone ay ang Barangay 14, 34, 37, 42, 46, 66,106, 144, 169, 171, 177, 183, 184,
185, 190, 193 at 201.

May 201 barangay ang Pasay City mula sa 20 zone at dalawang distrito. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.