Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17 bayan sa Quezon balik-GCQ

0 190

Ibinalik sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang 17 bayan sa lalawigan ng Quezon dahil sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19.

Ito ay sa bisa ng Executive Order na inilabas ni Quezon Govenor Danilo Suarez matapos ang pagpupulong ng bumubuo ng Provincial Inter-Agency Task Force (IATF), Martes ng hapon.

Ang buong lalawigan ng Quezon na binubuo ng 39 na bayan at dalawang lungsod ay nasa ilalim na ng mas maluwag na MGCQ mula pa noong September noong nakaraang taon.

Batay sa nilalaman ng EO number 16 ng gobernador, mula Abril 7-Abril 21 ay isasailalim sa GCQ ang mga bayan ng San Antonio, Infanta, Macalelon, Candelaria, Gen. Nakar, Dolores, Sariaya, Lucban, Real, Pagbilao, Tiaong, Guinayangan, Polillo, Mauban, Alabat, Gumaca at ang lunsod ng Tayabas.

Hindi naman nakasama sa isasailalim sa GCQ ang Lucena City na siyang capital city ng Quezon at ang 23 mga bayan na may mabababang kaso ng COVID-19. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.