Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17 Chinese dinakma sa Makati curfew

0 55

Arestado ang 17 Chinese national dahil sa paglabag sa ipinatutupad na curfew sa Makati City kahapon ng madaling araw.

Ayon kay Major Tyronne Valenzona, ng Makati Police Assistant Chief for Operations, inaresto ang mga suspek habang nag-iinuman sa Xiaolongkhan Restobar sa Barangay Pio Del Pilar, alas-12:30 Biyernes ng madaling araw.

Nilinaw pa ng Makati Police na hinuli rin ang mga suspek dahil hindi nasunod ng mga ito ang physical distancing habang nasa loob ng bar.

Dinala sa Makati Police station ang mga inarestong Chinese national habang tinikitan ang mga ito sa paglabag sa ordinansa. Pinawalan naman ang mga ito pagkamulta ng P1000 bawat isa. (Vick Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.