Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17 Chinese hinarang ng BI

0 34

Hindi nakalusot sa mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang pagpasok ng 17 Chinese mula sa magkakahiwalay na flight noong Miyerkoles.

Unang naharang sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang 16 Chinese national na sumakay sa flight ng Pan Pacific Airlines flight mula Zhengzhou, China noong Miyerkoles.

Ayon kay BI Intelligence Division Chief Fortunato Manahan, Jr., ang 16 na nai-sponsor umano sa isang tech company sa Pilipinas.

Gayunpaman, habang nagaganap ang interogasyon, ang grupo ay nagbigay ng magkakaibang mga pahayag at nabigong maipaliwanag ang kanilang layunin ng paglalakbay.

Hindi rin nila maipakita ang kaugnayan sa sinasabing sponsor sa Pilipinas, at hindi mailalarawan ang katangian ng kanilang paglalakbay.

“Their purpose was very doubtful, and they gave conflicting statements, hence they were denied entry to the country,” sabi ni Manahan.

Naharang din sa parehong araw sa NAIA Terminal 2 ang isa pang lalaking Chinese na dumating sakay ng isang flight ng Philippine Airlines mula Bangkok, Thailand.

Sinabi ng dayuhan na konektado siya sa isang kompanya ng solar energy company sa Pilipinas, ngunit hindi niya masabi ang kanyang layunin. Ang kanyang mga dokumento, ay hindi nagtutugma sa kanyang mga sinabi.

Ang lahat ng 17 ay agad na pinabalik sa bansang pinanggalingan at ang kanilang mga pangalan ay isinama sa blacklist ng BI.

Pinaalalahanan ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga tauhan ng imigrasyon na nakatalaga sa mga international port na manatiling mapagbantay sa kabila ng mga paghihigpit sa paglalakbay.

“While only limited classes of aliens are allowed entry in the Philippines, our immigration officer must remain alert and vigilant to thwart the entry of illegal aliens who may try to come here and work without proper documentation,” sabi pa niya. (Mina Navarro)

Leave A Reply

Your email address will not be published.