Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17 manggagawa sa planta kinapitan ng coronavirus

0 234

MASINLOC, Zambales – Agad na pinag-utos ni Masinloc Zambales Mayor Arsenia Lim ang mabilis na pakikipag-ugnayan sa mga manggagawa sa Masinloc Power Partner Limited (MPPL) para sa contact tracing.

Ito ay matapos na magpositibo ang 17 manggagawa nito matapos mahawaan ng kapwa manggagawa sa planta na nanggaling pa kamakailan sa Muntinlupa sa isinagawang contact tracing ng pamahalaan ng bayan ng Masinloc at Provincial Health Office.

SM food to go Banner Ad

Pansamantala namang gagawing isolation facility para sa mga manggagawa ng planta ang Bani National High School sa bayang ito, ayon kay Lim.

Ayon pa kay Lim, lahat ng magpopositibo sa virus ay ia-admit sa President Ramon Magsaysay Memorial Hospital sa bayan ng Iba, Zambales na tinalaga ng Department of Health ekslusibo lamang sa mga COVID-19 patients.

Sa ngayon ay nasa 54 kumpirmado na ang nagpositibo sa nasabing bayan. (Randy V. Datu/Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.