Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17 nadale ng lepto, positibo rin sa coronavirus

0 105

May 17 pasyente na ginagamot sa National Kidney and Transplant Institute (NKTI) dahil sa leptospirosis ang nagpositibo rin umano sa COVID-19 infection matapos ang pagsusuri.

Sa panayam kay NKTI Executive Director Rose Marie Rosete-Liquete sa telebisyon nitong Miyerkoles, posible umanong nahawa ng COVID ang mga naturang pasyente sa evacuation center.

Nabatid na dumami ang tinamaan ng leptospirosis dahil sa mga pagbaha sanhi ng bagyong `Ulysses’.

Leave A Reply

Your email address will not be published.