Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17 nag-mahjong nadale ng virus

0 207

NASA 17 katao na nalalaro ng mahjong sa isang lamayan ang positibo ngayon sa COVID-19 sa bayan ng Camalaniugan, Cagayan.

Dahil dito, nagkaroon ng emergency meeting sa pamumuno ni Camalaniugan Vice Mayor Sid Cabaddu, kanilang ang municipal health office (MHO), local na pulisya at 24 barangay chairmen.

Ayon kay Cabaddu, base na rin sa kanilang pagpupulong ay bigla na lang sumulpot na maraming nagpositibo sa virus at nalamang mula ito sa 17 naglalaro ng mahjong sa lamayan sa Brgy. Alilinu sa nasabing bayan.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Sinabi ng bise alkalde na kinumpirma rin ng Cagayan Valley Medical Center ng Tuguegarao City ang mga nasabing nagpositibo sa COVID-19.

Dahil dito, sinuyod at kinuha ng mga tauhan ng municipal health office ang mga na-COVID at dinala sa quarantine facility ng local government unit ng Camalaniugan.

Ayon sa mga opisyal, may mga pumalag pa sa mga dinampot ng MHO at dito na umalalay ang Camalaniugan Police Station. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.