Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17 NPA nagbalik-loob, armas isinuko

0 135

Umaabot sa 17 miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko at nagpasyang magbalik-loob sa gobyerno kasama ang kanilang mga armas sa Aroroy, Masbate, ayon sa ulat ng pulisya kahapon.

Ayon kay Police Regional Office (PRO) 5 Director Jonnel Estomo, Biyernes ng umaga nang salubungin ng pinagsanib na puwersa ng pulisya at militar ang 17 miyembro ng NPA na pawang mga kasapi ng Platoon 3, Larangan 1, Komite ng Probinsya 4; at Militiang Bayan, sa Barangay Balete at Barangay Concepcion sa bayan ng Aroroy, Masbate.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Kasamang isinuko ng mga ito ang kanilang mga armas na 4 na kalibre.45; 3 kalibre.38 baril; isang sub machine gun, 7 homemade shotgun at mga bala.

Sumailalim sila sa debriefing at bibigyan ng tulong sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integrated Program (ECLIP). (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.