Abante Tonite Interactive

17 Tsino dinakip, 11 Pinay sinagip sa Makati prosti den

455

Arestado ang labing pitong Chinese national kabilang ang may–ari ng isang KTV bar habang 11 kababaihan na pawang mga Pinay ang nasagip sa isinagawang raid ng mga tauhan ng Makati City Police sa isang hotel na umano’y ginagawang prostitution den sa lungsod kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni Police Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police ang nadakip na si Shih Fang Chen, isang Chinese national at may–ari ng 101 KTV Bar sa SR, Makati Palace Hotel, na stay-in din sa nasabing hotel sa Burgos St., Brgy. Poblacion.

Ayon kay Simon, ang anim na dayuhang empleyado ay sumasailalim ngayon sa imbestigasyon.

Habang na-rescue naman ang 11 kababaihan na pawang mga Pinay.

Sa report ni Simon, alas-3:30 ng madaling-araw nang ikasa ang pagsalakay.
Ayon kay Simon, nakatanggap sila ng tip mula sa kanilang impormante ukol sa aktibidad ng 101 KTV bar.

Nang maberipika ang impormasyon, sinalakay ang naturang bar na nagsisilbing front ng nangyayaring pambubugaw.
Sinabi ni Simon na tini-table ang mga babae at maaari ding ilabas kapalit ng halagang P20,000 bilang bayad sa kanila.

Nakita din sa lugar ang samu’t saring mga condom, log book sa mga transaksyon at iba pang gamit.

Ang nasabing pagsalakay sa lungsod ng Makati ay pang-apat na mula noong 2019.(Armida Rico)