Abante Tonite Interactive

170K kaso ng dengue naitala, 661 na ang namatay

322

Umabot na sa halos 170,000 ang kaso ng dengue na natala ng Department of Health (DOH) at umaabot na rin sa 661 katao ang nasawi.

Nabatid kay DOH Undersecretary Usec Eric Domingo, ito na umano ang pinakamataas sa loob ng limang taon.

Nabatid sa DOH-Epidemiology Bureau na may 12,880 kaso ng dengue ang naidokumento mula Hulyo 21-27 dahilan para umabot na sa 167,606 ang kaso ng dengue naitala mula noong Enero 1.

“This is the highest in the last five years. This is also 98% highe­r than the cases during the same period in 2018. That’s why this is the first time that we declared a national dengue epidemic,” ayon kay Domingo.

Posible umanong mahigitan pa nito ang naitalang 216,190 kaso noong 2018
Kabilang umano ang lalawigan ng Calabarzon, Mimaropa, Bicol, Central Visayas, Western Minda­nao, Western Visayas, Eastern Visayas, Northern Mindanao at Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na lumampas na sa threshold ang naitalang kaso ng dengue.

Nabatid na masusi rin mino-monitor ng DOH ang National Capi­tal Region (NCR) at Ilocos region na kapwa na lumampas sa thres­hold ng dengue.

“The peak of dengue starts in August and this will go on in September, October and November. It will start to decrease in December,”ayon kay Domingo .

Kasabay nito, nakipag-ugnayan na ang ang DOH sa Department of Education (DepEd) na payagan ang mga estudyante na magsuot ng pantalon para ma protektahan laban sa lamok. (Juliet de Loza-Cudia)