Abante Tonite
Mabilis sa Balita

174 barangay sa Maynila, COVID free

0 274

Inanunsiyo ni Manila Mayor Isko Moreno na may 174 barangay mula sa 896 barangay ang COVID-19 free.

Update ito ni Moreno sa kampanya ng lokal na pamahalaan na bigyan ng `reward’ ang mga barangay sa Maynila na walang maitatalang bagong kaso ng COVID-19 sa loob ng 2-buwan.

SM food to go Banner Ad

Nabatid na sinimulan ang kampanya noong Setyembre 1 at magtatapos sa Oktubre 1,2020.

Matatandaan na sinabi ni Moreno na pagkakalooban ng P100,000 ang barangay na maitatalang “zero new COVID-19 case.” Ang pondo rito ay aabot sa P90 million.

Inaasahan ng alkalde na mapapanatili ng 174 barangays ang kanilang estado na COVID-19 free hanggang sa katapusan ng Oktubre o sa mga darating na buwan. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.