Abante Tonite
Mabilis sa Balita

176 balota nawawala sa Isabela

0 37

Tinatayang 176 na balota ang nawala sa Barangay Rang-ayan sa Naguilian, Isabela kaya napilitan ang electoral board na magpulong at ipadala sa apat na kalapit na barangay ang mga hindi naka-accommodate na rehistradong botante.

Nabatid sa abogadong si Michael Camangeg, Isabela provincial election supervisor, na inilipat ng electoral board ang Commission on Elections Resolution No. 10759, na nagtatalaga ng protocol sa mga ganitong kaso ng nawawalang mga balota.

Sinabi din ni Camangeg, na ang mga balota na ginamit ng mga taga-Rang-ayan ay isasama sa mga kahon ng mga barangay kung saan sila bumoto at hindi sa Bgy. Rang-ayan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.