Abante Tonite
Mabilis sa Balita

177K nanood sa Ginebra-RoS laro

0 134

Clark Smart Giga City – Magkasunod na gabi na namumutiktik sa live viewers ang mga laro ng PBA Philippine Cup sa Pampanga bubble.

Walang pinapapasok sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City, sa Facebook live streaming muna ang dagsaan.

Noong Lunes, pumalo sa 120,800 ang live viewers sa Facebook page ng ONE Sports para saksihan ang unang laro ni Calvin Abueva sa Phoenix makalipas ang 16 months indefinite suspension.

SM SuperKidsDay Banner Ad

Nagsumite ang The Beast ng 21 points, 13 rebounds at 7 assists sa 114-110 panalo ang Fuel Masters kontra NLEX.

Kinabukasan ng Martes, inagaw ng Rain or Shine-Ginebra game ang record bilang most-watched PBA bubble game sa Facebook.

Wala sa free TV ang dalawang laro dahil Monday-Wednesday-Friday-Sunday ang regular schedule ng PBA sa coveror TV5.

Umabot sa higit 177,000 ang live viewership ng 89-86 overtime victory ng Elasto Painters sa Gins. (Vladi Eduarte)

Leave A Reply

Your email address will not be published.