Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17K aktibong virus case pinakamababa sa 2021

0 37

Bumaba sa 890 ang mga naitala na bagong kaso ng COVID-19 sa buong bansa, batay sa ulat ng Department of Health (DOH) kahapon.

Ayon sa COVID Case Bulletin No. 620, bumaba rin sa 17,864 o 0.6% ang mga aktibong kaso ng virus infection sa bansa mula sa kabuuang bilang ng mga dinapuan nito.

Nakapagtala naman ng 1,710 bagong gumaling habang 200 ang naitala na pinakahuling nasawi sa COVID infection.

SM food to go Banner Ad

Hanggang kahapon ay nasa 2,828,660 na ang kabuuang kaso ng COVID sa buong bansa. Nasa 2,763,114 naman ang gumaling o 97.7% ng kabuuang kaso nito.

Umabot naman sa 47,682 na ang namatay dahil sa COVID.

Ang 17,864 aktibong kaso ng COVID kahapon ay pinakamababa umano na naitala ngayong taon.

Leave A Reply

Your email address will not be published.