Abante Tonite
Mabilis sa Balita

17K gumaling, 83 tigok sa coronavirus

0 298

Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 17,057 bagong nakarekober sa COVID-19 hanggang alas-kuwatro ng hapon nitong Linggo, October 11.

Sa inilabas na DOH COVID-19 Case Bulletin No. 211, umaabot na ngayon sa 293,075 ang kabuuang bilang ng nakarekober sa virus sa buong Pilipinas.

Mayroon namang 2,502 naitalang bagong kasi ng virus infection kaya umabot na sa 339,341 ang kabuuang bilang ng nagpositibo sa COVID.

Ang 2,502 bagong kaso ay naitala mula Setyembre 28 hanggang Oktubre 11.

SM food to go Banner Ad

Pinakamaraming bagong kaso ang iniulat sa National Capital Region (NCR) na 650, sinundan ng Region 4A na 492 kaso, at Region 3 mayroong 203.

Sa naturang bilang ay 39,945 pa ang itinuturing na aktibong kaso: 83% ang mild cases, 11.2% ang asymptomatic, 1.8% ang severe cases at 3.9% ang kritikal.

Nadagdagan ng 83 katao ang nasawi sa COVID dahilan upang umakyat sa 6,321 ang kabuuang kaso ng virus death sa bansa.

Mayroon namang panibagong 87 duplicate na inalis mula sa listahan ng total case count kung saan sa naturang bilang ay 35 ang recovered cases.

Samantala, 41 kaso na unang iniulat na nakarekober ang nalaman na namatay pala batay sa pinal na validation. (Juliet de Loza-Cudia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.