Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18-anyos pababa dapat escort matanda paglabas

0 85

Naglabas ng resolusyon ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) upang paalalahanan ang publiko sa bagongmga travel restriction na kailangang sundin sa ilalim ng pagpapatupad ng alert level 3.

“The intrazonal and interzonal travel of persons below eighteen (18) years old shall be allowed provided that these persons shall be accompanied by a parent or an adult guardian at all times.” batay sa MMDA Resolution No. 21-24.

Ayon kay MMDA chairman Benhur Abalos, kailangangmagpakita ng katunayan sa pagkakakilanlan gaya kung ito ay kapamilya o anumang relasyon.

“Ito’y ginagawa para proteksiyunan ang ating mga bata. Mahirap kasi palaboy-laboy eh. Baka kung saan-saan magpunta-punta ‘yung mga bata,” paliwanag ni Abalos.

Nakasaad din sa resolusyon na puwede nang lumabas ng bahayang may edad 18 pababa at 65 pataas, pero kung ang mga ito ay bibili ng essential goods o services, o kung nagtatrabaho sila samga industriya o mga establismyento na pinapayagang mag-operate.

Hanggang sa katapusan ng Oktubre ipatutupad ang alert level 3 sa Metro Manila. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.