Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18 anyos puwede na magpakasal

0 91

Hello po Atty good pm po. Nais ko po sana humingi ng payo po.. 13 years na po kami hiwalay ng asawa ko po may anak na po siya sa kinakasama niya kasal po kami.. Hindi ko lang po alam kung may marriage license po kami noon kinasal po kami dahil minor pa lang po ako 18 years old po ako noon at siya po ay 20..valid po kaya ang kasal namin? Pero kumuha po ako sa NSO ng cenomar. Nakaregister po.. May kinasakama po ako ngayon gusto ko po sana namin magpakasal po.

Ano po ang maganda ko po gawin? Minor po ako noon kinasal po ako.

Salamat po,
Maricel

Ms. Maricel,
Pakisigurado Lang muna kung ilang taon ka ba talaga nung kinasal kasi ang sabi mo ay 18 years old ka na noon pero ang 18 years old ayon sa atin batas ay hindi na menor de edad. Ang isang tao na 18 taon na ang edad ay pwede ng magpakasal ayon sa ating Family Code.

Kung mapapatunayan mo na noong ikinasal ka ay wala ka pang 18 taon ay masasabi natin na ang kasal mo ay walang bisa at maaari mo itong ipawalang saysay sa pamamagitan ng pagsampa ng petition sa korte.

Kung halimbawa naman na ikaw ay 18 taon na noon ay maaari mo ring suriin muna kung may marriage license na sa inyo ay ibinigay o na isyu dahil kung wala ay maaari mo rin itong gamitin na basehan para mapawalang bisa ang kasal dahil sa kailan an ang isang marriage license bago mag pakasal maliban lamang kung patuloy na nagsasama bilang mag asawa ang dalawa ng limang taon o higit pa bago nagpakasal. Dapat ay tuloy tuloy ang pagsasama.

Kung kumpleto naman ang lahat ng requirements bago nagpakasal pero pakiramdam mo na siya o ikaw ay may psychological defect ayon sa Art. 36 ng Family Code ay maaari mo itong gamitin na basehan para ipawalang bisa ang kasal ninyo. Kailangan mong sumangguni sa Isang psychologist para malaman kung may psychological disorder ka o ang partner mo. Kailangan mo ng ibang testigo para rito.

Kung may katanungan pa ay tumawag lamang sa 8922 0245 o 85142143 o mag-email sa attorneyclaire@gmail.com. Please subscribe to my youtube channel batas with Atty. Claire Castro. Subaybayan din po ninyo ang Asintado sa Abante News Online (Facebook) tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes sa ganap na 8:00 PM kung saan maaari kayong dumulog para sa inyong problema at mabigyan ng tugon sa abot ng aming makakaya (09173215300).

Leave A Reply

Your email address will not be published.