Abante Tonite Interactive

18-anyos sinakyod sa harap ng 2 kapatid na babae

492

Sa harap mismo ng kanyang dalawang­ kapatid na babae tinarakan sa dibdib ang isang 18-anyos ng kanyang nakaalitan kahapon ng madaling-araw sa Sampaloc, Maynila.

Idineklarang patay sa Ospital ng Sampaloc ang biktimang si John Nicolas Sayson, taga-1503 Loreto St., sakop ng Brgy. 420 Zone 42 Sampaloc. Naaresto naman sa follow-up operation ng Lacson Police Community Precinct ang suspek na si Jovito Lor y Amora, 26, ng 1503 Loreto St., sa Sampaloc.

Sa imbestigasyon ni PMSg. John Paul Rojo, ng Manila Police District-homicide section, alas-12:30 ng madaling-araw nang maganap ang pananaksak sa biktima sa Rotonda ng Legarda St., sa Sampaloc.

Sa imbestigasyon, kasama umano ng biktima ang dalawang kapatid na babae nang makipagtalo ang kanilang kapatid sa suspek.

Hindi pa man gaanong nagtatagal at habang papauwi na ang magkakapatid ay nilapitan ito ng suspek, tinarakan sa dibdib saka mabilis na umeskapo. (Juliet de Loza-Cudia)