Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18 lugar positibo sa red tide

0 231

Inanunsiyo ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na may 18 lugar sa bansa ang natuklasang positibo sa toxic red tide na lampas sa itinatakdang regulatory limit.

Batay sa Shellfish Bulletin No. 14 ng BFAR na may petsang Mayo 8, 2021, hindi muna maaaring kainin ang lahat ng uri ng shellfish at acetes o alamang na mahuhuli o maaani sa mga naturang lugar.

Ayon sa BFAR, nananatili pa ring positibo sa toxic red tide ang Puerto Princesa Bay, Puerto Princesa City sa Palawan; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Tambobo Bay, Siaton sa Negros Oriental; Calubian sa Leyte; Balite Bay, Mati City sa Davao Oriental; Lianga at Bislig Bays, at Hinatuan sa Surigao del Sur.

Samantala, natuklasan rin ng BFAR na nagpositibo rin sa red tide ang Daram Island, at Zumarraga, Cambatutay at Villareal Bays sa Western Samar; Leyte, Carigara at Ormoc Bays, at Cancabato Bay, Tacloban City sa Leyte; Biliran Islands; at Murcielagos Bay sa Zamboanga del Norte.

Nilinaw naman ng BFAR na ang mga isda, pusit, hipon at alimango na mahuhuli sa mga naturang lugar ay ligtas kainin pero kinakailangang sariwa ang mga ito at nahugasang mabuti. (Dolly B. Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.