Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18 Meralco branch sinugod sa `bill shock’

0 128

Nagsagawa ng rally kahapon ang mga consumer sa 18 sangay ng Meralco para igiit ang kanilang panawagan na huwag muna ituloy ng kompanya ni Manuel V. Pangilinan ang pagpapaputol nito ng kuryente sa mga tahanang hindi nakabayad sa `bill shock’.

Karamihan sa Meralco branch na sinugod ng mga consumer nitong Miyerkoles para magprotesta ay nasa Metro Manila, Rizal, Cavite at Laguna.

Ayon sa Power for People Coalition (P4P), hindi pa nagsasalita ang Meralco sa panawagan at hindi rin ito nagpaparamdam kung palalawigin ang October 31 deadline sa pagbayad ng `bill shock’ o kung aayusin nito at panagutan ang mga sinisingil sa kanilang mga consumer sa panahong sakop ng `bill shock’.

SM food to go Banner Ad

Sabi ni P4P convenor Gerry Arances, pinakikita nito na desperado na ang mga tao dahil pinipiga sila ng Meralco sa tuwing may pagkakataong kumita at dahil hindi rin naawat ng pamahalaan ang kasakiman nito.

Hinihiling ng mga consumer na magkaroon ng moratorium sa pagbabayad ng bill shock hangga’t hindi pa naaayos ng Meralco ang kuwenta at hindi ito napapasailalim sa independent audit.

Sabi ni Philippine Movement for Climate Justice national coordinator Ian Rivera, repeat offender ang Meralco at paulit-ulit na nitong dinidehado ang mga consumer. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.