Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18 nilambat sa pangunguryente ng isda

0 337

Inaresto ng mga pulis ang 18 mangingisda na nahuling nagsasagawa ng illegal fishing sa Laguna lake sakop ng bayan ng Bay nitong Linggo ng hapon.

Ayon sa report ng Bay police, sakay ng siyam na bangka ang mga mangingisda nang maaktuhan ng mga miyembro ng Bantay Lawa at mga tauhan ng Bay police na nangunguryente ng isda sa lawa.

Kabilang sa naaresto ang anim na electro fishing operator na sina Reynaldo Natanauan, 52; Ferdinand Villegas, 51; Joseph Alcantara, 43; Wilson Galvez, 32; John Mark Alcantara, 22; at Darwin Plamonte; 37, na mula pa sa mga bayan ng Jalajala, Rizal at Pakil, Laguna.

Inaresto din ang 12 helper ng mga ito at nakumpiska ang 7 set ng electro-fishing rod at mga battery. (Ronilo Dagos)

Leave A Reply

Your email address will not be published.