Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18 pa sapol ng virus sa Zambales naval training station

0 97

Nadagdagan ang kaso ng COVID-19 sa isang naval training station sa San Antonio, Zambales matapos ang outbreak noong nakaraang linggo.

Sa ulat, sinabi ni Provincial Health director Dr. Noel Bueno, na ang mga bagong nagpositibo sa loob ng Naval Education, Training and Doctrine Command (NETDC) ay nakasalamuha ng tatlong estudyante na nauna nang na-diagnose ng pagkakaroon ng virus.

SM food to go Banner Ad

Dahil dito, umakyat sa 33 ang kabuuang COVID-19 case sa NETDC.

Noong Enero 13 inilagay ang NETDC sa 14 araw na lockdown. (Issa Santiago)

Leave A Reply

Your email address will not be published.