Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18 PNP personnel positibo sa iligal na droga

0 45

Nahaharap sa pagkasibak ang 18 tauhan ng Philippine National Police (PNP) na nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga.

Ayon kay P/Col. Grace Eustaquio, deputy director for administration ng PNP Crime Laboratory mula Enero 1 hanggang sa kasalukuyan ay 17 pulis at 1 non-uniformed personnel ang nagpositibo sa paggamit ng iligal na droga sa isinagawang sorpresang drug test.

“There were 2 from the National Headquarters (NHQ), 3 from NCRPO, 2 from PRO 3, 4 from PRO 4A, 1 from PRO 6, 1, from PRO 10 and 1 from PRO 13 and finally, 4 PRO BAR totaling 18,” saad ni Eustaquio, “Actually this comprises about 0.009 percent of the total number of personnel subjected to drug test during the same period.”

Sa kabuoan, sinabi ng crime lab na 80,507 mula sa mahigit 219,000 mga PNP personnel ang sumalang sa drug test.

Sa ngayon, sumasalang na sa imbestigasyon ang mga tauhan ng PNP na nagpositibo at inaayos na ang dismissal procedure laban sa kanila. (Edwin Balasa)

Leave A Reply

Your email address will not be published.