Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18 vendor sa Antipolo Market positibo sa COVID

0 373

Sasailalim sa 14 na araw na lockdown ang Antipolo New Public Market makaraang magpositibo sa COVID-19 ang 18 tenant at vendor dito.

Ayon sa lokal na pamahalaan, 28 ang nagpositibo sa 800 tenant at empleyado sa palengke na sinailalim sa IgM anti-body rapid test noong June 25. Dinaan sila sa RT-PCR test at dito lumabas na 18 ang nagpositibo sa COVID-19.

Sa bilang na ito, 15 ang residente ng Antipolo habang 3 ang mula sa ibang bayan at pawang naka-quarantine na. Pinatupad naman ng kapulisan ang perimeter control sa palengke para masiguro na walang makakapasok dito.

Leave A Reply

Your email address will not be published.