Abante Tonite Interactive

180 sultada sa LDI Pearl Cup

312

Daragsain ang San Juan Coliseum dahil sa 180 sultadang nakalinya sa “LDI Pearl Cup 5-Cock Derby” grand finals ngayong Miyerkoles.

Puntirya ng 83 kalahok na may may 2-0 panalo-talo, ang kampeonato sa 3-cock finals simula sa alas-10:00 nang umaga.

Hahabol naman ang ilang entries na magsasalang ng straight five cocks sa hangaring makasilat din sa titulo.

Humatak ng entries ang pasabong na ito ng Lakpue Drug Inc. (LD1) dahil sa mababang entry fee na P3,300 pero P1.35M ang cash prizes at may brand new Mitsubishi Mirage G4 AT pa.

Ang hatian ng premyo: champion, P600,000; any 4 points,P200,000; two pts. sa elims, P300,000; handler, P100,000 at gaffer, P50,000.

Bonus sa finals: fastest win, brand new Mitsubishi Mirage G4 AT; second, P45,000 at P5,000 LDI products; third, P25,000 at P5,000 LDI products at fourth, P15,000 at P5,000 LDI products.

Makipag-ugnayan kina Doc Marion Abella at Michelle Nieva sa 0926-408-1643 at 0905-201-6057 para sa iba pang mga detalye. (Enjel Manato)