Abante Tonite
Mabilis sa Balita

180K jobless sa loob ng 8 buwan – DOLE

0 65

Iniulat ng Job Placement Monitoring ng Department of Labor and Employment (DOLE) na umabot na sa 180,000 ang mga Pilipinong nawalan ng trabaho simula Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan.

Base umano ang ulat ng DOLE sa mga isinumiteng report ng iba’t ibang kompanya.

Ayon sa ulat, may mga nawalan ng trabaho dahil sa retrenchment o pagbabawas ng empleyado sa kanilang mga kompanya o kaya sa tuluyang pagsasara ng pinapasukan bunga ng COVID-19 pandemic.

Sa National Capital Region (NRC) nakapagtala ng pinakamaraming nawalan ng trabaho na umabot sa 89,531. (Mina Aquino)

Leave A Reply

Your email address will not be published.