Abante Tonite Interactive

182 na patay sa coronavirus, 12 gumaling – DOH

724

Nadagdagan ng limang katao pa ang nasawi dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) kung kaya’t umabot na sa 182 ang kabuuang bilang ng mga namatay sa naturang sakit.

Ito ang inihayag ng Department of Health (DOH) sa inilabas nitong COVID Case Bulletin No. 5 nitong Miyerkoles, alas-kuwatro ng hapon.

Batay sa pinakahuling ulat, 106 ang nadagdag na mga bagong kaso ng nagpositibo sa COVID-19 kung kaya’t umabot na sa 3,870 ang kabuuang bilang ng mga tinamaan ng virus sa bansa hanggang kahapon ng hapon.

Samantala, 12 katao naman ang nadagdag sa mga pasyenteng nakarekober matapos tamaan ng COVID-19 kung kaya’t nasa 96 na ang bilang ng mga gumaling sa naturang sakit. (Juliet de Loza-Cudia)

Tonite – Wendys Inhouse Ad