Abante Tonite Interactive

189 mayor, governor tinaggalan ng ‘police power’

454

Tinanggalan ng Department of Interior and Local Government (DILG) ng ‘supervisory powers’ sa lokal na kapulisan ang 189 na mga alkalde at gobernador sa bansa.

Ayon kay DILG Undersecretary at Spokesperson Jonathan Malaya, sa naturang bilang ay 181 ang mga alkalde habang walo naman ang mga gobernador, subalit hindi muna binanggit ng ahensiya ang mga pangalan ng mga ito.

Paliwanag ni Malaya, maraming dahilan kung bakit tinanggalan ng supervisory powers ang mga natu­rang lokal na opisyal sa mga pulis.

Kabilang aniya dito ang pagkakasangkot ng ilan sa kanila sa illegal drugs at mga teroristang grupo. Ang iba naman ay dahil sa pag­kabigong labanan ang terorismo sa kanilang nasasakupan.

“Maraming dahilan, kung minsan dahil sa iligal na droga, ‘yung iba failure to stop terrorism at ‘yung iba supporting terrorist groups,” dagdag pa ng tagapagsa­lita ng DILG.

Ilalabas umano ng DILG ang mga pangalan ng mga alkalde at gobernador matapos ang masu­sing pag-aaral. (Dolly Cabreza)