Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18K toneladang basura sa kampanya, nahahakot kada araw

0 26

HINDI bababa sa 18 tonelada ng campaign materials ang nahahakot ng Metro Manila Development Authority (MMDA) araw-araw.

Ito ang ibinunyag ni MMDA chairperson Romando Artes.

Aniya para mapakinabangan ito ay nakipag-ugnayan na sila sa environmental group Ecowaste Coalition para gawin itong “ecobags” at “ecobricks”.

SM SuperKidsDay Banner Ad

“In fact, nagpulong na po sila ng aming mga tauhan para ‘yung makakapal at magaganda pa po na tarpaulins ay magawa pong ecobags,” dagdag nito.

Ang mga maninipis na tarpaulins, ay idadaan naman sa mga granulator at gagamiting sangkap sa pagbuo ng hollow blocks at ecobricks. (Kiko Cueto)

Leave A Reply

Your email address will not be published.