Abante Tonite
Mabilis sa Balita

18M mag-anak kailangan ayuda sa pagtaas ng alert level

0 33

Kailangang bigyan ng pamahalaan ng ayuda ang 18 milyong pamilya ngayong muling umigting ang COVID-19 alert level sa ilang bahagi ng bansa.

Sabi ni IBON Foundation Executive Director Sonny Africa, mas kailangan ngayon ng pinakamahihirap na pamilya ang ayuda para matulungan ang mga self-employed at karamihan ng mga informal worker.

Ayon kay Africa, maraming mawawalan ng kabuhayan sa paghihigpit sa pagkilos ng mga hindi bakunado, ang pagtaas ng alert level at ang pagpalit ng estratehiya ng administrasyong Duterte sa pagtugon sa coronavirus pandemic.

Aniya pa, hindi dapat pinalalagpas ang administrasyong Duterte sa ginagawa nitong pagpapahirap sa mga mamamayan na pinakaapektado sa kapalpakan ng gobyerno sa pagtugon sa pandemya na siyang nagpapalaki ng problema sa public health. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.