Abante Tonite Interactive

18th straight ‘W’ kay Giannis, Bucks

244

Nagsalansan si Gia­nnis Antetokounmpo ng 29 points, nagdagdag si Khris Middleton ng 24 at sinagpang ng Milwaukee Bucks ang pang-18 sunod na panalo 125-108 laban sa Cleveland Cavaliers nitong Sabado.

Naipanalo ng Bucks ang 22 sa huling 23 tungo sa 24-3, kalahating laro sa unahan ng idle Los Angeles Lakers para sa NBA best record. Nov. 8 pa huling natalo ang Milwaukee sa Utah.

Second-longest streak ‘yun sa prangkisa, nagtuhog ng 20 straight games ang Bucks noong 1970-71 season nang sikwatin ang nag-iisang NBA championship.

Hindi kinayang bitbitin ng 15 points ni Kevin Porter Jr. at 13 ni Jordan Clarkson ang Cavaliers (6-20). (VE)