Abante Tonite
Mabilis sa Balita

19 Chinese, 6 pa nasukol sa pekeng swab test

0 128

Inaresto ang 19 Chinese national at anim na iba pa dahil sa paggamit sa ‘pekeng’ reverse transcription polymerase chain reaction (RT-PCR) test at travel document sa lalawigan ng Isabela noong Huwebes.

Ayon sa Isabela Police Provincial Office (IPPO), ang mga suspek ay lulan ng tatlong van na galing umano ng National Capital Region (NCR).

Sa report, sinabi ng IPPO, ang rason ng mga suspek ay mag-a-apply sila ng driver’s license sa Land Transportation Office sa Isabela.

Sinabi ng pulisya, noong tiningnan nila ang mga travel document ng mga ito ay napag-alaman na peke ang mga RT-PCR test na dala ng mga suspek.

Bineberipika na ng pulisya kung may working visa ang mga Chinese national.

Agad na dinala ng awtoridad ang mga suspek at sasampahan ng kaukulang kaso. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.