Abante Tonite
Mabilis sa Balita

19 pulis absuwelto sa Espinosa slay

0 77

Pinawalang-sala ng Quezon City Regional Trial Court ang 19 miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) na isinasangkot sa malagim na pagkamatay ni Mayor Rolando Espinosa ng Albuera Leyte, halos 5 taon na ang nakalilipas.

Sa desisyong inilabas nitong hapon ng Miyerkoles ni Judge Catherine Manodon ng QC-RTC Branch 104, ang kabiguan ng prosekusyon na patunayan ang homicide case laban sa 19 akusado ang dahilan kung kaya sila inabsuwelto.

Kabilang sa mga naabsuwelto ay sina dating CIDG Region 8 Chief Inspector Marvin Marcos, dating P/Supt. Santi Noel Matira, isa ring opisyal ng CIDG at 17 iba pa.-

Si P/Supt. Matira ang sinasabing CIDG officer na nag-request ng SOCO bago pa mapatay si Mayor Espinosa.

Related Posts

Matatandaang si Espinosa ay kabilang sa mga local chief executive na idinadawit noon sa illegal drugs.

Madaling-araw noong November 5, 2016 nang magsisilbi umano ng arrest warrant laban kay Espinosa dahil sa iba pang kinasasangkutan nitong kaso na nauwi sa madugong barilan sa loob ng Leyte Sub-Provincial Jail sa Baybay City kung saan nakakulong noon ang alkalde.

Si Mayor Espinosa ay ama ni Kerwin Espinosa na isinalang noon sa imbestigasyon ng Senado tungkol sa iligal na droga. (Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.