Abante Tonite
Mabilis sa Balita

196 negosyo kinandado ng BIR

0 228

Sinara ng Bureau of Internal Revenue ang 196 commercial establishments mula Enero hanggang Nobyembre ngayong taon dahil sa hindi nakarehistro o hindi nagbayad ng tamang buwis.

Ayon sa Department of Finance, nakakolekta ang BIR ng P582.5 milyong buwis sa mga sinarang negosyo ngayong taon base sa ulat ni BIR commissioner Arnel Guballa kay DoF secretary Carlos Dominguez III.

SM food to go Banner Ad

Sabi ng DOF, 18 sa mga negosyo ay sinara nung last quarter lamang at piniga sila ng BIR na nakakubra sa kanila ng P34.5 milyong buwis sa ilalim ng Oplan Kandado program.

Maraming mga negosyo ang nagsara ngayong taon, lalo na nung nag-lockdown nung Marso dahil naman sa paghihigpit sa paglabas ng mga tao sa bahay para mapabagal ang pagkalat ng COVID19 pandemic. (Eileen Mencias)

Leave A Reply

Your email address will not be published.