Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1976 Luzon Tour vet namatay

0 326

Tumawid na sa finish ang lolo ni Myanmar 2018 Asian Road Cycling Championships silver medalist Rex Luis Krogg na si 1976 Tour of Luzon veteran Luis Lucas.

Nakilala sa tibay at tapang ang dating miyembro ng kinatatakutang Cagayan Valley Team nang tapusin pa rin ang natitirang mga yugto ng 1976 Tour kahit nakabenda ang ulo at tadtad ng band aid ang mukha’t katawan dahil sa mga gasgas sa semplang sa bikathon.

“I got a message from Luis Krogg that his lolo, former Tour veteran and All-Filipino Sports Awards sportsmanship awardee Luis Lucas has sadly passed away,” post ni cycling enthusiast Gorio Belen nitong Martes.

“Many of us remember the photos of his bandaged face during the 1976 Tour of Luzon continuing with the race despite calls for him to quit. His grit and determination exemplified the life of Tour cyclist,” anang panatiko ng sport.

“He is also known as the father of the Lucas sisters, the powerhouse of the Philippine women’s team, Marita and Maruja and grandfather to the next generation of champion cyclists, the Kroggs siblings,”sabi pa sa post.

Nagpahayag din ng kalungkutan si Dominador Calderon na beterano din sa malawak na kasaysayan ng Tour.

“Rest in Peace to my Tour of luzon former Team mate at Cagayan Valley mixed team Luis Lucas. ‘Di natin lubos akalain na ito na pala iyong huli nating pagkikita. Lubos na nakakalungkot kaibigan,” aniya. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.