Abante Tonite
Mabilis sa Balita

198 personnel nahawa! MRT-3 lilinisin sa coronavirus

0 263

Umakyat na sa kabuang 198 ang bilang ng mga personnel sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang nahawa ng coronavirus disease.

Limang araw na tigil operasyon ang MRT-3 para magsagawa ng disinfection sa buong pasilidad at mga istasyon. Kabilang sa mga nahawa ang 16 ticket seller. Ang iba pang mga nagpositibo ay mga nagtatrabaho naman sa depot.

Sa mga nahawang ticket seller, 8 ang mula sa North Avenue Station, 3 sa Araneta Center-Cubao, 2 sa GMA-Kamuning, 1 sa Quezon Ave, habang reserba naman ang isa pa. Pinaalalahan na ang mga pasaherong sumakay sa mga istasyong ito na i-monitor ang kalusugan.

Leave A Reply

Your email address will not be published.