Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1996 torch ni Ali binigay sa IOC

0 219

Ibinigay ni dating Formula One Group chief executive Bernie Ecclestone bilang donasyon sa International Olympic Committee (IOC) ang orihinal na torch na ginamit ni boxing great Muhammad Ali para ilawan ang Olympic Cauldron ng 1996 Atlanta Summer Games sa Georgia.

Iniabot ng Amerikano ang torch sa IOC sa miting sa Lausanne kasama si President Thomas Bach ng Germany.

“Personally, it was a great honour finding this unique Torch, and there is no better place for it to be than at the IOC,” sabi ni Ecclestone.

Isa si Ali (pinanganak na Cassius Marcellus Clay) sa “greatest sportsmen of all-time”.

Namatay ang three-time world heavyweight boxing champion, sa edad na 74 noong 2016. Nakamedalyang ginto siya sa 1960 Olympics men’s boxing lightweight division.

Isa sa pinaka-iconic moment ang pagsisindi ni Ali sa Olympic Cauldron sa Atlanta 1996 Olympics sa kabila na may Parkinsons disease na siya noong 1984 tapos magretiro noong 1981. (Lito Oredo)

Leave A Reply

Your email address will not be published.