Abante Tonite Interactive

19th hole paborito ni golfer

By
88

Kakaiba rin talaga ang trip ni golfer.

Hindi siya nagkakasya na matapos pumalo sa buong yarda at magpasok ng mga bola sa kabuuang 18 hole ay paboritong-paborito pa rin pala niya ang extra hole o ang tinatawag niya na 19th hole.

Sadyang kakaiba ang kagustuhan ni golfer dahil matapos makompleto ang isang round ng labanan ay ibang laban naman ang hinahanap nito para makapagpasok ng dagdag na stroke sa ika-19th hole.

Naiiba rin ang stroke ni golfer dahil mas gusto niya na ginagawa ang back stroke at hindi ang madalas na dapat na i-roll muna ang bola bago papasukin sa hole.

Gustong-gusto ni golfer na itutok ang pin sa pinakamagandang anggulo bago niya papaluin nang malakas para agad na makalapit sa inaasam nitong pinakamaigting na butas.

Huling pumalo sa 19th hole si golfer subalit nabunyag ang kanyang mainitang paglalaro dahil may mga nakakilala sa kanya at sa kanyang kasama sa paglalaro ng golf.

Dahil sa natuklasan kay golfer ay agad na nag-atrasan ang mga sumusuporta dito at hindi na rin naging maganda ang kanilang relasyon ng kanyang asawa. May letrang ‘T’ sa kanyang name as in tutok na tutok… Sino siya?