Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Balik klase sa August 24 pinababawi ng mga titser

0 330

Nanawagan sa Department of Education (DepEd) ang isang grupo ng mga guro para irekomenda kay Pangulong Rodrigo Duterte na iurong ang balik eskuwela na nakatakdang magsimula sa August 24.

Sinabi ni Teachers’ Dignity Coalition (TDC) chairperson Benjo Basas, sa panayam sa radyo nitong Huwebes, na mas mainam iurong muna ang pagbubukas ng klase upang mabigyan ng sapat na panahon para sanayin ang mga guro, estudyante at magulang sa magiging sistema ng edukasyon sa pasukan ngayong may pandemya.

Maliit na bahagi lang aniya sa halos 23 milyong enrollee ang gagamit ng online learning o internet sa buong bansa, at karamihan ay gagamit ng libreng printed modules.

Pero sa ngayon, hindi pa malinaw umano ang estado ng modules na gagamitin at may problema pa sa paghahatid ng mga ito sa mga bahay ng mga estudyante.

“`Yong honest assessment po namin ay hindi pa po nakahanda `yong system ano po, hindi po natin pwedeng sabihin na `yong mga teacher o mga estudyante ang hindi nakahanda kundi `yong system po,” ani Basas. (Riz Dominguez)

Leave A Reply

Your email address will not be published.