Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Cash aid bumagal dahil nagkasakit mga DSWD staff

0 51

Humingi ng pang-unawa ang Department of Social Welfare and Development (DWSD) sa bumagal na pamamahagi nila ng 2nd tranche ng Social Amelioration Program (SAP) na dahil umano sa dumaraming personnel nito na tinamaan ng COVID-19.

Gayunman, tiniyak ni DSWD Undersecretary Rene Glen Paje na patuloy ang kanilang pamimigay ng cash aid sa mga benepisyaryo nito.

Hindi naman sinabi ni Paje kung ilan ang mga personnel nila ang nagkasakit dahil sa COVID-19 bagama’t sinabi nitong marami sa mga DSWD staff na sangkot sa pamimigay ng cash aid, ang na-infect ng virus.

“Isa po ito sa mga dahilan kung bakit ingat na ingat tayo sa pagbibigay, pagpunta o paggawad ng tulong sa ating mga mga mamamayan,” aniya pa. (PNA)

Leave A Reply

Your email address will not be published.