Abante Tonite
Mabilis sa Balita

EAMC pang-COVID patient na lang – Galvez

0 284

Tanging mga pasyente na lamang na may COVID-19 ang tatanggapin at gagamutin ng East Avenue Medical Center (EAMC) sa Quezon City sa mga susunod na araw, ayon kay National Task Force on COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr. sa press briefing nitong Huwebes.

Aniya, maglalagay ang EAMC ng 250 isolation bed, COVID-19 ward, at 30 bed para sa intensive care unit.

Una nang nagrekomenda si Galvez ng mga ospital sa Metro Manila para sa COVID-19 treatment lamang upang protektahan ang mga pasyenteng ginagamot sa iba pang sakit.(Dolly Cabreza)

Leave A Reply

Your email address will not be published.