Abante Tonite
Mabilis sa Balita

Ecleo biniyahe sa Bilibid

0 366

Inilipat na sa New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City ang lider ng kultong Philippine Benevolent Missionaries Association (PBMA) na si dating Dinagat Island Rep. Ruben Ecleo para bunuin ang parusang mula 18 hanggang 31 taong pagkabilanggo dahil sa mga kasong katiwalian.

Isang linggo matapos siyang maaresto at manatili sa kustodiya ng National Capital Region Police Office (NCRPO), inihatid ang number 1 sa listahan ng mga high-profile na pugante sa NBP sa bisa ng commitment order na inisyu ni Sandiganbayan Associate Justice Efren N. Dela Cruz.

Sumailalim muna sa RT-PCR (swab test) at rapid anti-body test si Ecleo para matiyak na ligtas ito sa COVID-19 bago tuluyang nilipat sa NBP. (Mia B. Billones)

Leave A Reply

Your email address will not be published.