Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1K contact tracer kailangan sa Region 2

0 53

NANGANGAILANGAN ngayon ng halos isanlibong karagdagang contact tracers sa Region 2 para matumbok ang mga taong nakasalamuha ng mga nagpositibo sa coronavirus disease na pasyente sa nasabing rehiyon.

Ayon kay Department of Interior and Local Government-Region 2 director Jonathan Paul Leusen, 300 ang kailangan nilang contact tracer sa Cagayan, 495 sa Isabela; 199 sa Nueva Vizcaya, 4 sa Quirino, isa sa Batanes at isa ang magiging coordinator sa Region 2.

Sinabi ni Leusen na magtatrabaho sa kanilang mga probinsiya ang makukuhang contact tracers maliban lang kung kailangang ipadala ang contact tracer sa ibang lalawigan.

Idinagdag pa ng opisyal na ang mga kukunin na contact tracers ay graduate ng medical allied courses at criminology.

Aniya, P18,000 hanggang P20,000 ang sahod ng mga contact tracers. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.