Abante Tonite
Mabilis sa Balita

1K manggagawa sa Region 2, nawalan ng trabaho

0 268

NASA kulang-kulang 1,000 manggagawa sa Region 2 ang nawalan ng trabaho dahil sa coronavirus disease-19 (COVID-19).

Ayon kay Department of Labor and Employment (DoLE) Region 2 spokesperson Chester Trinidad, nagsasagawa ngayon ang DOLE ng inspeksyon sa mga establisyemento sa rehiyon para tingnan ang epekto ng pandemya.

Sinabi ni Trinidad, mula noong ikalawa ng Hulyo ay mayroon ng 73 establishments ang apektado ng COVID-19 pandemic habang 896 na manggagawa naman ang nawalan ng trabaho.

Sa nasabing bilang ng mga apektadong establisyemento, 59 ang nagbawas ng kanilang tauhan at 818 na manggagawa ang nawalan ng trabaho.

Ayon sa DoLE Region 2, siyam naman ang tuluyan ng nagsara at 38 manggagawa ang apektado habang dalawang establisyemento naman ang tapos na ang mga proyekto kaya nagsara na at 30 manggagawa ang apektado.

Ayon sa opisyal, ang mga negosyong ito ay kabilang sa small at medium establishments. (Allan Bergonia)

Leave A Reply

Your email address will not be published.